Difference between revisions of "OrthodoxWiki:Tagalog/Maria ng Ehipto"

From OrthodoxWiki
Jump to: navigation, search
Line 1: Line 1:
 +
Ang ating Inang '''Maria ng Ehipto''' ay isang [[ermitanyo|ermitanya]] noong ika-anim na siglo. Siya ay nagtika nang lubusan mula sa dati niyang buhay bilang nag-aalok ng aliw. Siya ay ang idinarangal sa Ikalimang Linggo sa [[Dakilang Kuwaresma|Panahon ng Ayuno]].
 
[[Image:Zosimas_and_Mary_of_Egypt.jpg‎ |Si Santa Maria ng Ehipto, kasama si San Zosimo]]
 
[[Image:Zosimas_and_Mary_of_Egypt.jpg‎ |Si Santa Maria ng Ehipto, kasama si San Zosimo]]
Ang ating Inang '''Maria ng Ehipto''' ay isang [[ermitanyo|ermitanya]] noong ika-anim na siglo. Siya ay nagtika nang lubusan mula sa dati niyang buhay bilang nag-aalok ng aliw. Siya ay ang idinarangal sa Ikalimang Linggo sa [[Dakilang Kuwaresma|Panahon ng Ayuno]].
 
 
 
==Kasaysayan==
 
==Kasaysayan==
  

Revision as of 15:05, April 10, 2011

Ang ating Inang Maria ng Ehipto ay isang ermitanya noong ika-anim na siglo. Siya ay nagtika nang lubusan mula sa dati niyang buhay bilang nag-aalok ng aliw. Siya ay ang idinarangal sa Ikalimang Linggo sa Panahon ng Ayuno. Si Santa Maria ng Ehipto, kasama si San Zosimo

Kasaysayan

Si Maria ng Ehipto ay naglayas patungong Alexandria noong siya ay 12 taong gulang. Sinunod niya ang mga layaw ng laman. Naging taga-alok ng aliw siya sa loob ng labimpitong taon, na hindi nagpapabayad sa mga lalaking nakaulayaw niya. Nabuhay siya sa paglilimos at paggawa ng sinulid na lino.
Isang araw, sumama siya sa isang grupo ng mga lalaking maglalakbay papunta sa Jerusalem upang idangal ang Tunay na Banal na Krus. Sinubukan niyang tuksuhin ang mga lalaki habang nasa sasakyang-dagat sila. Nang marating na nila ang Jerusalem, at ang simbahan ng pinaglagakan ng Tunay na Krus, hindi makapasok si Maria dahil sa isang puwersang hindi-makita. Sinubukan niyang makapasok nang tatlong ulit, at nang hindi siya magtagumpay sa ikatlong ulit, nanangis siya sa harapan ng larawan ni Mariang Ina ng Diyos sa harap ng simbahan, at nagmakaawang payagan siyang makita ang Tunay na Krus. Namanata siyang talikdan ang lahat ng dati niyang kasamaan, at magpailalim sa utos ng Theotokos.
Nagsisi at nakapagdangal siya sa Tunay na Krus. Pagkatapos, siya ay inutusan ng Theotokos na pumaroon sa disyerto sa kabilang gilid ng Ilog Jordan. Gayon naman ang ginawa niya, at doon nagsimula ang kanyang buhay ng pagtitika. Nabuhay siya sa tinapay noong mga unang taon, at pagkatapos ay mga yerba na lamang ang kinakain niya. Sa loob ng unang labimpitong taon ng kanyang pagka-ermitanya, naghirap siya dahil sa "mga hayop na mga kabaliwan at pagnanasa". Pagkatapos noon, napagtagumpayan niya ang mga pagnanasang ito, at nakasusunod na siya sa bawat utos ng Theotokos.
Lumipas ang 47 taon mula nang siya'y magsimulang mabuhay sa disyerto, nakita siya ni San Zosimo na isang pari. Nakiusap si Zosimo na isaysay ni Maria ang kanyang buhay. Isinaysay naman ito ni Maria nang may buong pagpapakumbaba, at ipinamalas ang grasya ng pag-alam. Alam niya ang buhay ni Zosimo at kung sino siya, nang hindi pa siya kailanman nakikita. Ipinakiusap ni Maria na magkita sila uli sa tabi ng Ilog Jordan sa pagtakip-silim ng Huwebes Santo sa susunod na taon.
Nakipagkita din si Zosimo, gayong nagduda siya nang kaunti nang medyo magtatakipsilim na. Nagpakita si Maria sa kabilang gilid ng Jordan, at nang mangurus siya, lumakad siya sa tubig ng ilog papunta kay Zosimo. Pinagalitan ni Maria si Zosimo nang yumukod ito sa kanya, at sinabi na ang pari ay lubhang mas marangal sa kanya, at lalo pa dahil hawak nito ang mga Banal na Misteryo. Tumanggap si Maria ng Banal na Eukaristiya, at namaalam siya pagkatapos payuhan si Zosimo tungkol sa kanyang monasteryo at mag-utos na bumalik siya sa kanilang tagpuan makalipas ang eksaktong isang taon.
Nang bumalik nga si Zosimo noon, natagpuan niya ang bangkay ni Maria, at may nakasulat sa tabi nito sa buhanginan na tagubiling ilibing si Maria, na namatay pala matapos tumanggap ng Banal na Eukaristiya noong nakaraang pagkikita nila noong nakaraang taon, at misteryosong nailagak ang bangkay niya sa tagpuan nila. Nagsimulang maghukay si Zosimo, ngunit napagod siya. May leon na biglang sumulpot, at tumulong sa paghuhukay, pagkatapos mawala ang takot ni Zosimo dito. Bumalik si Zosimo sa kanyang monasteryo at isinaysay ang lahat ng nakita niya. Pagkatapos, itinuwid niya ang mga mongha at abad sa monasteryong ito. Dito na rin siya namayapa sa gulang na magi-isandaang taon.
Sa kalaunan, sinulat ni Sofronio, Patriarka ng Jerusalem, ang Buhay ni Santa Maria ng Ehipto. Ito ay binabasa sa Kapistahan ng Dakilang Kanona ni San Andres ng Kreta.

Mga Awit ukol sa kanya sa Liturhiya

Pambungad na Awit
Sa iyo, O Ina, nananatili ang imahen ng Diyos
pagka't sumunod ka kay Kristo, pasan ang Krus.
Sa gayon, hinimok mo kaming talikdan ang kumukupas na laman,
bagkus pa, ang kaluluwa'y alagaan, itong walang-kamatayan.
Kaya't ngayon, Mariang banal, kasalo ka ng mga anghel sa kaligayahan!

Awit-Homilya
Ikaw, O Maria, ay isang makasalanang palara,
na nadugtong kay Kristo sa pagtitika.
Sa buhay ng mga Anghel ikaw ay matagumpay na tumulad,
ang mga demonyo ay Iyong nagapi gamit ang Krus na Banal,
O Mar'yang kapuri-puri, ika'y isang Reyna ng Kaharian!

Tingnan din

Ang Buhay ni Santa Maria ng Ehipto (Iglesia Orthodoxa-Ruso)